TINGNAN: SIMCARDS

TINGNAN : SIMCARDS

Malugod na tinanggap ni Dr. Mauro C. De Gulan, Schools Division Superintendent, katuwang ang mga opisyal SDO-Malabon City ang karagdagang supplies na ipinaabot ni Kgg. Mayor Antolin A. Oreta, III, Chairman ng Malabon City Local School Board upang mapaigting ang pagsasakatuparan ng Division Basic Education-Learning Continuity Plan. Binubuo ito ng mga communication allowance sa pamamagitan ng SIM Cards na may Php 500.00 worth of load.

          Nakatakdang ipamahagi ng mga kawani ng Schools Governance & Operations Division ang mga SIM cards na ito sa mga guro at mga magulan ng mag-aaral. Sa bahagi ng SDO-Malabon City, ipinaaabot ni Superintendent De Gulan ang kanyang pasasalamat sa Punong-Lungsod sa malaking tulong na ibinahagi upang maipagpatuloy at maayos na maisakatuparan ang mga layunin ng Kagawaran ng Edukasyon sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon.

Leave a Comment